-- Advertisements --

Magiging araw-araw na ang gagawing ensayo ng Gilas Pilipinas simula sa susunod na linggo.

Sinabi ni Gilas coach Yeng Guiao, na hihintayin na lamang nila ang ibang manlalaro na tapusin ang nagaganap na 2019 PBA Commissioner’s Cup playoffs.

Sa isinagawang ensayo nitong Lunes ng gabi ay 10 manlalaro lamang sumipot at ito ay kinabibilangan nina Andry Blatche, Kiefer Ravena, Matthew Wright, Poy Erram, Beau Belga, Mark Barroca, CJ Perez, Gabe Norwood at Paul Lee.

Target ng national team coach na makuha ang 70-80% ang lakas nila bago sila tumulak sa Spain sa Agosto 4 para sa training camp.

Naghahandang mabuti ngayon ang Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa China sa buwan ng Agosto.