-- Advertisements --
Nagtungo na sa China ang advance party ng Gilas Pilipinas para obserbahan ang ilang laro ng makakalaban na koponan.
Pinangungunahan ito ni Gilas deputy coach Sandy Arespacochaga para sa scouting assignment.
Isa sa misyon nito ay ang panoorin ang mini-pocket tournament sa pagitan ng Serbia at Italy na gaganapin sa Foshan, China.
Dagdag pa ng deputy coach, mananatili ito sa China ng isang linggo at hihintayin na lamang ang pagdating ng national team.