Klinaro ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na tapos na ang obligasyon ni naturalized center Andray Blatche sa men’s basketball team ng bansa.
Ayon kay SBP president Al Panlilio, oras na raw para mag-move on sa isyu kay Blatche.
“Andray has helped us a lot in the past, but I think it’s time we move on from him,” wika ni Panlilio.
Sa kanyang pinakahuling pagsusuot ng national tri-colors, pumoste si Blatche ng 15.8 points, 8.4 rebounds, 3.4 assists at 2.4 steals, ngunit hindi ito naging sapat upang akayin ang Pilipinas na nagtapos sa huling puwesto noong 2019 FIBA World Cup sa China.
Kaugnay nito, sinabi ni Panlilio na pinag-aaralan na raw ng SBP ang pagbuo ng isang pool na binubuo ng dalawa hanggang tatlong naturalized player bilang kahalili sa matagal nang tumayong naturalized player.
“We’ll have to identify those names,” aniya. “My objective is to have two to three names as a pool so we’ll have an elbow room. It depends on what the competition is, who’s injured, mayroon ka nang backup. That’s also the process, and it takes time.”
Kabilang naman sa mga target ni Panlilio sina Ginebra import Justin Brownlee, dating SMB import Chris McCullough, NorthPort center Christian Standhardinger at Ginebra guard Stanley Pringle.
Maliban dito, kinokonsidera rin nila ang pagkuha sa 16-year-old 7-footer na si Sage Tolentino na nakabase sa Hawaii.