Gilas Pilipinas

Ngayong araw na ang pagsisimula ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa Asian Games 2023 sa hangzhou, China.

Ayon kay Gilas Head Coach Tim Cone, malaking hamon ang kailangang harapin ng Gilas, dahil sa magandang performance ng Team Bahrain.

Paliwanag ni Coach Tim, marami ang big men ng Team Bahrain na tiyak na magpapahirap sa Gilas.

Maliban dito, mataas din ang shooting percentage ng naturang team, kasama na ang matinding depensa na una nang ipinapakita ng mga players sa mga nakalipas nitong laro.

Bagaman nakatakda na ang laban ng Gilas, patuloy namang hinihintay ng Team Phils ang desisyon ng Hangzhou Asian Games Organizing Committee (HAGOC) ukol sa hinihiling ng bansa na makapaglaro ang ilang mga basketball players bilang kapalit ng mga na-injure na manlalaro ng Gilas.

Kinabibilangan ito nina CJ Perez, Chris Ross, Kevin Alas, Marcio Lassiter at Arvin Tolentino.