-- Advertisements --
Gilas Pilipinas praktis
Gilas Pilipinas practice

All-set na ang Gilas Pilipinas sa kanilang pagsabak sa FIBA World Cup sa China mamayang gabi sa pagharap nila ng isa sa powerhouse team na Italy.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guaio, mahalaga ang 40 minuto na sakripisyo ang kanilang ibubuhos para malusutan ang world’s No. 13 na Italy.

Itinuturing pa nito ang koponan ng Pilipinas bilang mga underdogs o maliit lamang kontra sa mga malalaking manlalaro ng Italy.

Ibinahagi din ng head coach ang ilang diskarte para talunin ang Italy.

Kabila aniya rito ay ang pag-execute nila ng kanilang game plan at kung maaari ay bulabugin ang laro ng makakalabang koponan na merong dalawang active NBA players.

Nitong nakalipas na araw sa light training sa Foshan ay ibinuhos ng team ang paghahanda sa ilang defensive scheme upang ma-neutralize ang magiging laro ng dalawang Italian superstars na sina Danilo Gallinari ng Thunder at Marco Belinelli ng Spurs.

Samantala, hindi rin naman ikinaila ni Guiao na labis ang pressure nitong nararanasan sa magiging una niyang pagsabak sa pinakaprestihiyong torneyo sa buong mundo.

Nagpadagdag naman sa paglakas ng loob ng Gilas team ay ang magiging presensiya mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte na personal na magtsi-cheer sa national squad.

Dakong alas-7:30 ng gabi ang first game ng Pilipinas sa opening day ng FIBA Basketball World Cup.

Yeng Guiao Gilas
Gilas Pilipinas / SBP image