-- Advertisements --

Nabigo ang Gilas Pilipinas sa home team na Chinese Taipei 91-84 sa final window ng 2025 FIBA Asia Cup qualifiers.

Sinabi ni Gilas Pilipnas coach Tim Cone na labis siyang humanga sa galing ng Chinese Taipei dahil kahit na anong paghabol ang ginawa nila ay hindi sila nagpatinag.

Napanatili ang kanilang composure at nakakapasok ang mga bola kaya deserving aniya ang panalo nila.

Bagamat qualified na ang Gilas sa FIBA Asia cup na gaganapin sa Saudi Arabia ay nais pa rin nila mahigitan ang mga makakaharap sa qualifiers.

Umabot pa sa 13 ang lamang ng Chinese Taipei hanggang sa napababa nila ito 80-79.

Nasayang ang nagawang 39 points ni Justin Brownlee habang 16 points naman ang naitala ni Dwight Ramos at 10 points , anim na rebounds ni AJ Edu.

Susunod na makakaharap ng Gilas ay ang New Zealand sa araw ng Linggo Pebrero 23.