-- Advertisements --

Nabigo ang Gilas Pilipinas sa Turkey 84-73 sa kanilang tune-up games sa Europe bilang bahagi ng FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Mula sa simula ay dominado ng host country ang nasabing laro kung saan umulan ng three-points.

Nanguna sa Gilas si Justin Brownlee na nagtala ng 21 points habang mayroong 17 points at 11 rebounds si June Mar Fajardo at Kai Sotto ay mayroong 7 points.

Ang nasabing laro ay bilang paghahanda ng Gilas para sa FIBA Olympic Qualifiers sa susunod na linggo kung saan makakaharap nila ang Latvia at Georgia.

May isa pang friendly games ang Gilas sa pamamagitan ng Poland sa darating na Hunyo 30 bago ang FIBA Olympic Qualifiers sa Hulyo 2.