-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si Gilas Pilipinas boys national team coach Josh Reyes matapos ang anim na taong paninilbihan.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na nagdesisyon si Reyes na magbitiw sa pamumuno ng youth program pero mananatili bilang senior na kasama ni Tim Cone.

Sa kamay ni Reyes ay nagtapos sa pang-10 puwesto ang Gilas boys sa FIBA Under-18 Championship.

Pinasalamatan naman ni Reyes ang mga nakasama niyang mga manlalaro at maging ang mga coaching staff para sa itinuturing na mabungang karanasan.