-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang hindi pagsama ng mga pangalan na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Kasunod ito sa paglabas ng Samahan ng Basketball ng Pilipinas (SBP) ng bumuo ng final 12 ng national basketball team ng bansa ang Gilas Pilipinas.

https://twitter.com/coachot/status/1522126624715550720?ref_src=twsrc%5Etfw

Ayon kay Reyes na marami ang nagtaka sa hindi pagsali sa listahan nina Dwight Ramos, Japeth Aguilar at Robert Bollick. Si Ramos aniya ay may mga obligasyon pa ito sa koponan nito sa Japan habang si Bollick ay magtutungo sa US para dalawin ang may sakit na ama at si Japeth ay hindi pa tuluyang gumaling ang kaniyang calf injury.

Magugunitang inilabas ng SBP ang listahan ng final 12 ng Gilas Pilipinas sa pamumuno ni Kiefer Ravena, June Mar Fajardo, Isaac Go, Mo Tautuaa, Troy Rosario, Matthew Wright, Roger Pogoy, Kib Montalbo, Kevin Alas, Will Navarro at Francis “Lebron” Lopez.