-- Advertisements --
Mas bumibilis at naging progresibo umano ang ginagawang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa paghahanda sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.
Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na hindi na sila masyadong nagsasagawa ng matinding ensayo dahil mayroon ng “chemistry” ang bawat manlalaro nito.
Ikinatuwa naman niya ang ensayo nitong Huwebes ng gabi dahil kumpleto na dumalo ang kaniyang mga manlalaro.
Ibinahagi nito na agad na nakuha ng kaniyang mga players ang binabalak na mga plays kaya naman nagtapos lamang sila sa halos dalawang oras.
Tiniyak naman ni Cone na sa mga susunod na mga araw ay magpapatupad na rin sila ng ibang mga diskarte sa kanilang training sessions.