-- Advertisements --

Hindi ikinaila ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na hindi pa sila lubos na handa isang linggo bago ang pagsisimula ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

Sinabi nito na may mga pagbabago pa silang gagawin at malaking tulong ang dalawang friendly match laban sa Turkey at Poland.

Makakaharap nila ang Poland naman sa Hunyo 30 habang nabigo sila sa Turkey nitong Byernes ng umaga.

Nais makita ni Cone ang pagpupursige pa ng kaniyang manlalaro para talunin ang Latvia at Georgia sa FIBA Olympics Qualifiers.

Ang Latvia kasi ay number 6 sa buong mundo na nagtapos sila bilang pang-limang puwesto sa FIBA World Cup habang ang Georgia ay pang number 23 kung saan umabot pa sila ng last 16 rounds noong World Cup.

Isa rin na hamon sa kanila ang Georgia dahil may mga NBA players sila na sina Goga Bitadze at Sandro Mamukelashvili.

Magsiismula ang Olympic Qualfying Tournament mula Hulyo 2 hanggang 7.