-- Advertisements --

Malaki ang paniniwala ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na 100 porsyentong malusog at walang anumang iniindang injury ang mga manlalaro nito ilang araw bago ang pagsisimula ng kanilang training.

Sa araw kasi ng Huwebes ay sisimulan ng Gilas Pilipinas ang kanilang matinding ensayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para paghanadaan ang first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers 2025.

Ipinagdarasal rin ng Gilas coach na hindi maulit ang nangyaring pagtamo ng injury ni naturalized player Justin Brownlee noong Asian Games sa Hangzhou, China.

Nakapagpahinga umano ito at nagpagaling habang ito ay nasa US noong nakaraang taon.

Unang makakaharap kasi ng Gilas ay ang Hong Kong sa Pebrero 22 na gaganapin sa Tsuen Wan Stadium na susunda ng Chinese Taipie sa darating na Pebrero 25 sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.