-- Advertisements --
Naniniwala si TNT active consultant Mark Dickel na dapat ibigay na lamang sa mga nararapat ang pagiging coach ng Gilas Pilipinas.
Reaksyon ito sa naging pahayag ni dating Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na hindi na dapat kumuha ng mga dayuhang coach ang national team ng bansa.
Sinabi ni Dickel na nirerespeto niya ang naging pahayag ni Reyes at hindi niya ito kinokontra.
Sa kasalukuyan kasi ay bakante ang posisyon ng coach ng Gilas Pilipinas kung saan nakatakda pang magtalaga ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ng coach matapos ang pagbaba sa puwesto ni Yeng Guiao noong Setyembre 2019.