Inilabas na ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guaio ang final 12 na sasabak sa FIBA World Cup 2019.
Pinangunahan ito ni naturalized player Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Robert Bolick, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, Roger Pogoy, Troy Rosario at Kiefer Ravena.
Ang nasabing listahan ay naisapinal ni Guiao matapos ang dalawang tune-up games nila ng Adeliade 36ers ng Australia.
Naisama sa listahan si Ravena na natapos na ang kaniyang 18 months suspension dahil sa paggamit ng iligal substance.
Hindi na rin sinama ng Gilas si Filipino-American player Jordan Clarkson dahil sa nagkaroon ng aberya sa kaniyang mga dokumento para makapaglaro sa Philippine national team.
Nakatakdang magtungo sa China ang Gilas ngayong linggo.