-- Advertisements --
Gilas Pilpinas coaching
Gilas Pilipinas/ SBP image

Pursigido ang Gilas Pilipinas na makabawi sila sa kanilang pagkatalo noong Sabado sa Italy at desididong talunin ang Serbia na kanilang makakaharap ngayong Lunes.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao na naka-move on na sila sa pagtambak sa kanila ng Italy 108-62 sa nagpapatuloy na FIBA Basketball world cup na ginaganap sa China.

Dagdag pa nito na tinanggap nila ang lahat ng mga pagkakamali at kanila na itong babaguhin para manalo kontra Serbia.

Aminado ang Gilas coach na mas matindi ang Serbia dahil sila ay nasa ranked number 4.

Nitong Sabado ay tinambakan ng Serbia ang Angol 105-59 sa unang game sa group D.

Itinuturing din Serbian coach Sasha Djordjevic na mahalaga na talunin ang Gilas para makaharap ang Italy.

Hanga sila sa bilis ng Gilas Pilipinas kahit na talunin sila ng Italy.