-- Advertisements --
Naghahanda na ang Gilas Pilipinas sa muling paghaharap nila ng New Zealand Tall Blacks sa huling window ng FIBA Aisa Cup 2025 qualifiers.
Ang mananalo sa dalawa kasi ay siyang magpapakita kung sino ang mangungunang koponan sa Group B.
Parehas kasi na mayroong apat na panalo at isang talo ang Gilas Pilipinas at New Zealand.
Ang dalawang koponan din ay kapwa pasok na rin sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa buwan ng Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.
Magugunitang tinalo na noong nakaraang taon ng Gilas ang New Zealand 93-89 kung saan ito ang maituturing na malaking panalo ng national team ng talunin ang ranked 22 sa buong mundo.