All-set na ang paghaharap ng Gilas Pilipnas at Brazil para sa semifinals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament mamayang gabi sa Riga, Latvia.
Ito na ang pang-limang pagbeses na nagharap ang Pilipinas at Brazil kung saan hindi nakaporma ang Pilipinas sa mga nagdaang paghaharap nila.
Taong 1952 ng unang magharap ang dalawa sa Helsinki Olympic sa Finland kung saan tinalo ng Brazil ang Pilipinas 71-52 kung saan ang mga manlalaro ng Pilipinas noon ay sina Carlos Loyzaga at Ponciano Saldana na kapwa nagtala ng tig-14 points.
Matapos ang dalawang taon ay muling nagkaharap ang dalawang bansa sa 1954 FIBA World Championship sa Rio de Janeiro at gaya ng inaasahan ay tinambakan ng host country Pilipinas 99-62.
Pagkatapos ng isang linggo ay nagkaharap ang dalawa para sa final round ng FIBA World Championship sa parehas na taon kung saan nabigo ang Pilipinas 57-41.
Sa pang-apat na paghaharap noong 1978 FIBA World Championship na ginanap sa bansa ay napahiya muli ang Pilipinas ng tambakan sila 119-72.
Malaking hamon ngayon para sa Gilas ang makaharap ang Brazil dahil sa may ilang manlalaro nito ay kasalukuyan at dating NBA players na kinabibilangan nina Golden State Warriors guard Gui Santos, dating Chicago Bulls player Cristiano Felicio, dating Los Angeles Lakers player Marcelinho Huertas, dating Toronto Raptors player Bruno Caboclo, dating Utah Jazz player Raul Neto at dating Portland Trail Blazer Didi Louzada.
Inamin ni Brazil coach Aleksandar Petrovic na kanilang pinaghandaan din ang Gilas dahil sa mga magandang ipinakita nilang laban sa host country na Latvia.
Positibo naman si Gilas coach Tim Cone na makakasama na nila si Kai Sotto na nagtamo ng injury sa laban nila ng Georgia.
Sa magandang balita na ibinahagi ni Cone na walang anumang nakitang problema sa katawan 7-foot-3 na Sotto at maari na rin ito ng makapaglaro.
Hindi naman nawawalan din ng pag-asa si Cone na makahigitan ang Brazil at makausad sa finals dahil ang target nila ay makapasok sa Paris Olympics.
Ang sinumang magwagi sa semis sa pagitang ng Brazil at Pilipinas ganun din ang Latvia at Cameroon ay maghaharap sa finals ng alas-12 ng madaling araw ng Lunes at ang magwagi ay tiyak na ang pagpasok sa 2024 Paris Olympics.