-- Advertisements --

Itinuturing ng Gilas Pilipinas na isang matinding pagsubok ang nakatakda nilang laro sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade.

Sinabi ni Gilas coach Tab Baldwin na masusubok ang galing ng mga bagitong Gilas players sa pagharap nila sa mga bigating manlalaro ng Serbia at Dominican Republic.

Gaya ng nagdaang panalo nila sa FIBA Asia Cup Qualifiers ay tiwala itong magiging mas matinding laro ang ipapamalas nina Dwight Ramos, SJ Belanguel, RJ Abarrientos at Kais Sotto.

Mahalaga din ang height advantage nina Ange Kouame, Justine Baltazar at Sotto sa nasabing laban.

Nauna rito nakarating na sa Belgrade, Serbia ang Gilas nitong Biyernes ng gabi para sa torneyo na magsisimula sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 2.