-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang alok ng PBA na payagang makapaglaro ang Gilas Pilipinas.

Sinabi ni SBP President Al Panlilio na mula pa noon ay mahigpit na ang partnership ng GILAS at PBA.

Isa rin aniyang pagkakataon ito para makapa-ensayo na ang national team.

Huling nakibahagi ang Gilas sa PBA ay noong 2011 na binubuo nina Marcus Douthit, Chris Tiu, JVee Casio at Marcio Lassiter kung saan nabigo sila sa Barangay Ginebra sa Commissioner’s Cup.

Sa ngayon ay abala ang Gilas sa bubble training camp sa Calamba, Laguna para sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

Nakatakda silang magtungo sa Doha, Qatar sa darating na Pebrero 13.