-- Advertisements --

Itinuturing ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na ang first window ng FIBA Asia cup ay susi para sa para Olympics.

Sinabi nito na hindi nila minamaliit ang nasabing mga torneo dahil ito ang magdadala sa kanila sa Paris Olympics ngayong taon o maari sa 2028 Los Angeles Ollympics.

Dagdag pa nito na isa itong panimulang hakbang para makapasok ang Gilas sa nasabing torneo.

Sa ngayon aniya ay nakatuon muna ang kanilang atensiyon sa FIBA Asia Cup first window kung saan sa arawa ng Huwebes ay makakaharap nila ang Hong Kong habang sa Pebrero 25 naman ay ang Chinese Taipei na gaganapin ito sa Pilipinas.