-- Advertisements --
Hinihintay pa ni Kai Sotto ang go-signal ng kaniyang doctor kung makakapaglaro na ito na kasama ang Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup.
Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas na kanilang isinasapinal pa ang pagsali ng 7-foot-3 na 21-anyos na si Sotto.
Kahit na wala pa itong clearance sa kaniyang ay nagpakita na ito sa ensayo ng Gilas Pilipinas para ipakita ang kaniyang suporta.
Umaasa ang SBP na mailabas agad ng doctor ang kaniyang desisyon para maisama si Sotto sa kanilang gagawing pocket tournament sa China sa darating na Agosto 2.
Magugunitang nagtamo ng injury sa kaniyang likod si Sotto ng maglaro ito sa NBA Summer League sa koponang Orlando Magic.