-- Advertisements --

Inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang listahan ng 12- manlalaro ng Gilas Pilipinas para sumabak sa huling window ng FIBA Asia Cup qualifiers laban sa Chinese Taipei sa Pebrero 20.

Nanguna si AJ Edu na siyang unang pagkakataon na sasabak sa international competition.

Kasama sa 12-man roster sina Justin Brownlee, June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, at Carl Tamayo.

Magiging reserves naman sina Troy Rosario at Mason Amos matapos na hindi sila makasama sa final roster.

Magiging kapalit si Edu ni Kai Sotto na nagtamo ng ACL injury.