-- Advertisements --

Inilabas ng Gilas Pilipinas ang 15 manlalaro nito na sasabak para sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa darating na Nobyembre 21 at 25 sa Mall of Asia Arena.

Pinangunahan nito ni June Mar Fajardo, Ange Kouame, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Japeth Aguilar, Mason Amos, Justin Brownlee, Aj Edu, Calvin Oftana, CJ Perez, Kevin Quiambao,Dwight Ramos, Kai Sotto, Carl Tamayo at Scottie Thompson.

Sinabi coach Tim Cone na maaring mayroong mabago depende aniya sa pagsisimula ng kanilang training camp.

Magugunitang unang makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa Nobyembre 21 habang susundan ito ng Hong Kong sa darating na Nobyembre 24.