Itinuturing ngayon ng Gilas Pilipinas na isang malaking hamon ang unang laban nila sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Ngayong araw kasi ay makakaharap ng Gilas ang Bahrain kung saan inamin ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na malaking hamon sa kanilang ang Bahrain.

Maituturing kasi na malalaki ang Bahrain at may mataas na shooting percentage kung saan may matindi ring depensa ang nabanggit na koponan.

Bukod pa dito ay hinihintay pa ng Gilas PIlipinas ang desisyon ng Hangzhou Asian Games Organizing Committee (HAGOC) kung aprubado ang pahabol na manlalaro na inilagay nila sa listahan na sina CJ Perez, Chris Ross, Kevin Alas, Marcio Lassiter at Arvin Tolentino.