-- Advertisements --

Makakasama ng Gilas Pilipinas ang ilang mga pamilyar na koponan para sa 2025 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Saudi Arabia.

Sa ginawang anunsiyo ng FIBA ay kabilang ang Gilas Pilipinas sa Group D kung saan kasama nila ang New Zealand, Chinese Taipei at Iraq.

Magugunitang sa laban ng Gilas sa Qualifiers ng makaharap ang New Zealand at Chinese Taipei sa Group B ay mayroon na silang limang panalo at isang talo.

Target ng Gilas Pilipinas na maulit ang panalo sa torneo na gaganapin mula Agosto 5 -17.

Ang mangunguna sa bawat group ay otomatikong abanse na sa quarterfinals habang ang second-place team matapos ang group stage at sasabak sa playoffs.

Malaking hamon ngayon sa Gilas ang kawalan ni Kai Sotto dahil sa injury habang si Justin Brownlee na bukod sa nagpapagaling sa kaniyang dislocated na right thumb ay hinihintay nito ang desisyon ng FIBA matapos na magpositibo muli sa drug test.