Makakasama ng Gilas Pilipinas sa Group A ng 2023 FIBA World Cup Qualifiers ang New Zealand at South Korea.
Bilang isa sa mga host ng FIBA World Cup 2023 kasama ang Japan at Indonesia ay automatic ng qualified ang Pilipinas.
Nasa Group B naman ang Australia, China, Japan at Taiwan.
Habang sa Group C ay ang Jordan, Lebanon, Indonesia at Saudi Arabia.
Pinangunahan naman ng bansang Iran ang Group D kasama ang Kazakhstan, Syria at Bahrain.
Gaganapin ang first window ng home-and-away sa Nobyembre habang ang susunod n window para sa first round schedule ay sa Pebrero, Hunyo at Hulyo sa susunod na taon.
Ang tatlong koponan sa bawat grupo ay aabanse na sa ikalawang round.
Huling nagharap ang Pilipinas at South Korea ay noong nakaraang dalawang buwan sa Asia Cup qualifiers sa Clark kung saan nagwagi ang Gilas 81-78.
Ang pinakamataas na panalo ng Pilipinas sa FIBA World Cup ay noong 1954 sa Rio de Janeiro kung saan nakuha nila ang bronze medal kasama si Carlos Loyzaga.