-- Advertisements --

Nagdagdag si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ng dalawang manlalaro na kaniyang isasama bilang bahagi ng Final 15 na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Sinabi ni Reyes na nakipagpulong na ito kay PBA Commissioner Willie Marcial kung saan may mga line up na silang inilatag bago ang deadline sa darating na Marso 12.

Dagdag pa nito na mayroon na silang mga kinakausap na PBA players na posibleng isama sa final line up.

Isa sa malaking koponan na kanilang babantayan ay ang Indonesia at Thailand na mayroong kinuhang mga naturalized players.