Hindi ikinaila ni Gilas Pilpinas head coach Tim Cone na mapapalaban sila ng sa Latvia para sa FIBA Olympic Qualifying Tournaments.
Sinabi nito na hawak ng Latvia ang homecourt advantage kung saan malaking hamon sa kanila rin ang audience ng lungsod ng Riga.
Ilan sa mga maaaring advantage nila ay ang mga manlalaro ng Gilas gaya nina Kai Sotto at June Mar Fajardo.
Kahit na hindi maglalaro sa Latvia si Boston Celtics star Kristaps Porzingis dahil sa kaniyang injury ay nakita nito ang bilis at magandang ball movements ng mga manlalaro ng Latvia.
Marami rin aniya silang natutunan sa mga tune-up games nila ng Poland at Turkey kung saan kahit hindi nagwagi ang Gilas ay nakapag-ensayo sila kaharap ang ilang European basketball players.
Nitong Miyerkules lamang kasi ng madaling araw ay tinambakan ng Latvia ang Georgia 83-55 na makakaharap din ng Gilas Pilipinas.
Magsisimula ang laban ng Gilas Pilinas sa Latvia ng alas-12 ng madaling araw ng Hulyo 4 oras sa Pilipinas at ang laban sa Georgia ng 8:30 ng gabi ng Hulyo 4.