-- Advertisements --
Manonood na lamang muna ang Gilas Pilipinas sa laban ng India at New Zealand sa pagbubukas ngayong araw ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers Group A.
Ito ay matapos na umatras ang nakatakda sana nilang makakalaban na South Korea ng marami sa mga miyembro nila ang nagpositibo sa COVID-19.
Ang dalawang koponan kasi ay makakalaban ng Gilas sa mga susunod na araw gaya ng India sa Pebrero 25 habang New Zealand sa Pebrero 27 dakong ala-siyete ng gabi.
Pinapangunahan ni NBA G League player Princepal Singh ang India.
Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na hindi nagbabago ang kanilang intensity at focus ng laro kahit sinuman ang kanilang makakalaban dahil sa target nilang magwagi sa 2023 FIBA World Cup.