-- Advertisements --

Gagamitin ng Gilas Pilipinas ang lalahukan nilang friendly games bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.

Aalis ang Gilas patungong Doha sa Pebrero 13 para lumahok sa International Friendly Basketball Championship sa Qatar.

Mula Pebrero 14 hanggang 16 ang laro na lalahukan ng host country na Qatar, Egypt, Lebanon at Pilipinas.

Makakasama nila si Troy Rosario na siyang pumalit sa injured player na si Kai Sotto.

Tiwala si Gilas coach Tim Cone sa 6 -foot-6 na si Rosario na kayang dalhin ang koponan at umaasa itong mapipili ito sa final roster.

Kabilang kasi si Rosario ng magwagi ng tatlong gintong medalya ang Gilas sa Southeast Asian men’s basketball.

Unang makakaharap ng Gilas sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers ang Taiwan sa Pebrero 20 habang ang New Zealand ay sa Pebrero 23.