-- Advertisements --

Mayroon na lamang na mga kaunting adjustments na ipapatupad ang Gilas Pilipinas sa huling kampanya nila sa FIBA Asia Cup qualifiers sa araw ng Lunes kontra sa Jordan na gaganapin ulit sa Philippine Arena.

Ito ay matapos na magwagi ang national basketball team laban sa Lebanon 107-96 nitong Biyernes.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, na nagkaroon sila ng magandang opensa na naipatupad para mabawian ang Lebanon na tumalo sa kanila noong nakaraang taon.

Lubos din ang pasalamat ni Reyes sa mga mambabatas ng bansa dahil sa napabilis ang naturalization process ni Justin Brownlee na siyang bumandera sa laban nila kontra Lebanon.

Bagamat sa Agosto pa ang FIBA World Cup ay naniniwala ito na ang kaniyang koponan ngayon ay mayroong matibay na pondasyon bawat isa ay nagkakaintindihan sa kani-kanilang mga galaw kaya walang naging problema sa pag-ikot ng bola.