Kampante si bagong Gilas asst coach Sean Chambers na may tyansa ang Pilipinas na makapasok sa Paris Olympics.
Ayon kay Chambers, may ‘legitimate chance’ ang Gilas na malagpasan ang FIBA Olympic Qualifying Tournament na nakatakdang isagawa sa Riga, Latvia, mula July 2 hanggang 7, 2024.
Napanuod na aniya ng koponan ang mga naging laban ng Latvia at Georgia at alam na ng Gilas kung ano ang paghahandaan nito. Sa panig ng Latvia, kailangan aniyang mabantayan ang 3-point shooting nito habang ang Team Georgia ay naglalaro ng mas pisikal.
Tiwala ang batikang coach na makapagbibigay ang koponan ng magandang laban kontra sa mga malalaking team.
Natutuwa din umano ito na napapanuod ang magandang laro nina Kai Sotto, June Mar Fajardo, Dwight Ramos at Justin Brownlee na pawang mga batikan sa international competition.
Nakatakdang labanan ng Gilas ang mga malalakas na basketball team na kinabibilangan ng Latvia na No.6 sa buong mundo at georgia na nasa No. 23 sa ilalim ng group A.
Ang top-2 sa naturang bracket ay kailangan ding labanan ang top-2 sa bracket B na binubuo naman ng Brazil, Montenegro at Cameroon.