-- Advertisements --
Buhay pa umano ang tsansa ng Gilas Pilipinas na mapasama sa 2020 Tokyo Olympics.
Ito ay matapos matalo ang host China ng Venezuela sa nagpapatuloy na FIBA World Cup.
Mayroong 1-2 win-loss record kasi ang China at wala pang Asian team ang nanalo sa unang dalawang laro sa first round.
Makakaharap ng Gilas ang Tunisia, Iran at Angola sa classification group.
Dapat maipanalo ng Gilas ang dalawang laro sa classification phase at umasa na mabigo ang ilang Asian countries sa kanilang mga laban.
Sakaling mabigo naman ang Gilas ay dapat makapasok sila sa Top 2 sa classification group sa Olympic Qualifying Tournament.