-- Advertisements --
Gilas
Gilas Pilipinas/ SBP Twitter image

Inilabas na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang 12-man line-up ng Gilas Pilipinas na sasabak sa first window ng FIBA Asia Cup qualifiers kontra Indonesia.

Pangungunahan ito ni Kiefer Ravena na unang napiling bilang team captain.

Napili rin sina CJ Perez, Poy Erram, Abu Tratter, Justin Chua, Roger Pogoy, Dwight Ramos, Troy Rosario, Isaac Go, Thirdy Ravena, Juan Gomez de Liano at Matt Nieto.

Sinabi ni SBP president Al Panlilio, tiwala sila na mangingibabaw ang koponan sa nasabing torneo dahil halos lahat ng mga manlalaro ay bata.

Nakatakda sanang makaharap ng Gilas Pilipinas ang Thailand sa Huwebes subalit ito ay kinansela dahil sa banta ng coronavirus.

Nakatakdang bumiyahe ang national team na pangungunahan ni coach Mark Dickel patungong Jakarta, Indonesia para sa laban nila sa Pebrero 23.