-- Advertisements --
Nabigo ang Gilas Pilipinas sa kamay ng Lebanon 75-54 sa 2nd Doha International Cup.
Mayroon ng isang panalo at isang talo ang Gilas sa friendly game bago ang 3rd window ng FIBA Asia Cup.
Nasayang ang 21 points, 11 rebounds ni Justin Brownlee habang mayroong seven points si Scottie Thompson.
Nagtala rin ng 10 points si Calvin Oftana, 6 points kay AJ Edu at limang puntos naman ni Dwight Howard.
Tiniyak naman ni Gilas coach Tim Cone na kanilang pag-aaralan ang naging kakulangan nila sa laro kung saan mayroong adjustment silang gagawin para sa pagharap nila sa Egypt bago ang pag-uwi nila sa bansa.