Nabigo ang Gilas Pilipinas kontra sa Montenegro 102-87 sa kanilang closed-door tuneup games sa Philsport Arena sa Pasig.
Matapos na mailapit ng Gilas ang kalamangan 44-42 sa pagtatapos ng first half ay umarangkada ang Montenegro sa pagpasok ng third quarter.
Umabot pa sa 20 ang kalamangan ng Montenegro 90-70 sa mahigit anim na minutong natitira ng last quarter.
Nanguna sa panalo ng Montenegro asi NIkola Vucevic na mayroong 18 points at siyam na rebounds habang si Bojan Dubljevic ay mayroong 16 points, mayroon namang 15 points si Kendrick Perry at 12 points ang naitala ni Vladimir Mihailovic.
Nasayang naman ang nagawang 27 points, limang assists at dalawang rebounds ni Jordan Clarkson habang mayroong 19 points si June Mar Fajardo at 13 points naman si Dwight Ramos.
Wala namang naitalang puntos si Kai Sotto sa paglalaro nito ng 15 minuto.
Susunod na makakaharap ng Gilas ay ang Mexico sa araw naman ng Lunes.
Magugunitang nitong Biyernes ay tinalo ng Gilas ang Ivory Coast.
Ang nasabing tuneup games ay siyang magdedetermina kung sino ang maipapasok sa final 12 na siyang sasabak sa FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa Agosto 25.