Nagpaabot ng kanilang suporta ang Gilas Pilipinas para sa agarang paggaling ng kanilang miyembro na si Kai Sotto.
Kasalukuyang nagpapagaling kasi si Sotto matapos na magtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) injury habang naglalaro sa Japan Basketball League.
Ayon kay Justin Brownlee na alam niya ang hirap na pinagdadaanan ni Kai kaya ipinagdasal niya ito para sa agarang makabalik sa paglalaro.
Sinabi naman ni Japeth Aguilar na bata pa si Sotto at marami pa itong pagdadaanan at tiyak na pagbalik nito sa paglalaro ay magiging malakas na siya.
Una ng sinabi ng 22-anyos na si Sotto na ito na ang pinakamasamang pangyayari sa kaniyang career.
Subalit pagtitiyak na ang pangyayaring ito ay hindi hadlang para matapos na ang kaniyang pangarap na makapaglaro sa NBA.
Base sa doctor ng basketbolista na maaring aabot sa anim na buwan bago tuluyang makapaglaro muli si Sotto.