-- Advertisements --

Nagdagdag ng dalawang manlalaro ang Gilas Pilipinas para sa kanilang paghahanda sa ilang mga laro nila sa mga susunod na araw.

Ayon kay Gilas program director and team manager Alfrancis Chua, na idinagdag nila sina RJ Abarrientos at Ralph Cu sa training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Magsisimula ang training camp ngayong Martes at sila magtutungo ang Gilas sa Qatar sa Pebrero 13 para sa 2nd Doha International cup na isang friendly games.

Dagdag pa ni Chua na ang dalawa ay hahalili sa ilang manlalaro na nagpapahinga matapos na magtamo ng maliit na injury gaya nina Justin Brownlee at Troy Rosario.

Makakasama naman sa training camp sina AJ Edu, Kevin Quiambao at Dwight Ramos habang si Carl Tamayo ay didiretso na sa Doha.

Magugunitang pagkatapos ng friendly games sa Doha ay diretso na ang Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers sa Taiwan at New Zealand.