Nagtapos sa pinakahuling puwesto ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA Basketball World Cup.
Ito ay base sa pagtatapos ng lahat ng mga classification round games ng 32 teams.
Walang naipanalo na ni isang laro ang Gilas sa buong kampanya ng national team sa nasabing prestihiyosong torneo.
Naiwasan sana ng Gilas ang huling puwesto kung natalo ang Jordan sa Senegal ng 15 points sa Group P game sa Shanghai.
Subalit nalusutan ng Jordan ang Senegal, 79-77 bilang unang panalo sa World Cup.
Nasa 29th place naman ang Ivory Coast habang nasa 30th ang Senegal at ang Japan ay nasa 31st place.
Noong 2014 FIBA Basketball World Cup sa Spain ay nagtapos sa pang-21st place ang Gilas matapos maipanalo ang isang laro sa limang games sa ilalim noon ng national coach na si Chot Reyes.
Sa panig naman ni coach Yeng Guiao, nagpaabot na ito nang pag-sorry sa mga kababayan na hindi naabot ng team ang inaasahan sa kanila.