-- Advertisements --

Balak kunin ng Gilas Pilipinas sa kanilang coaching staff ang dating miyembro nito na si Marc Pingris.

Kasalukuyang nagsasagawa ng pag-uusap ang dalawang kampo para maplantsa ang nasabing plano.

Sakaling matuloy ay ay magiging pinakabagong bahagi sa coaching staff ni Chot Reyes bukod pa kina veteran coach Jong Uichico, Josh Reyes ang anak ni Chot at ang Serbian-New Zealander na si Nenad Vucinic.

Naging bahagi ang 40-anyos na si Pingris sa panalo ng Pilipinas laban sa South Korea sa semifinal ng 2013 FIBA Asia Men’s Championship na nagdala sa national basketball team sa 2014 FIBA World Cup.