Nakahanda ang Gilas Pilipinas sa kanilang pagsabak sa mga laro ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers sa Manama, Bahrain.
Isasagawa ng nasabing bansa ang “bubble” type game sa group A at D.
Kasama kasi sa Group A ng Pilipinas ang South Korea, Indonesia at Thailand habang sa Group D naman ay binubuo ng Bahrain, Iraq, Lebanon at India.
Ang desisyon na maglaro sa Nobyembre 2020 at Pebrero 2021 qualifying windows sa bubbles ay napagdesisyunan noong Setyembre.
Bukod kasi sa Manama ay napili rin ang Doha at Amman bilang host cities.
Magiging host ng Group B and E ang Doha, Qatar, na binubuo ng China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia ang Group B habang ang Group E naman ay binubuo ng Qatar, Iran, Syria at Saudi Arabia.
Habang ang Amman, Jordan ay gaganapin ang Windows 2 game ng Group F at Group C kabilang ang Jordan, Kazakhstan, Palestine at Sri Lanka.