-- Advertisements --

Hindi nabago ang puwesto ng Pilipinas sa ika-31 sa buong mundo sa FIBA World rankings matapos ang Tokyo Olympics.

Batay sa latest FIBA report ang Gilas Pilipinas ang ika-anim na best team sa Asia-Pacific kung saan nangunguna ang Australia na nasa No. 3 sa buong mundo.

Nagbigay naman bigat sa puwesto ng bansa ay ang mga panalo na naiposte sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

Gayunman sa ginanap na FIBA Olympic Qualifying Tournament ay hindi na umubra ang mga Pinoy sa Belgrade tourney nang itumba sila ng Serbia at Dominican Republic.

No. 1 pa rin sa buong mundo ang USA at pangalawa ang Spain.

Ang Slovenia ang kasama sa may malaking pagbabago dahil sa performance ni Luka Doncic kung saan umakyat ito sa 12 puwesto na ngayon ay nasa No. 4 na upang lampasan pa ang silver medalist na France na pumwesto sa No. 5.

Ang China naman ay No. 28 habang ang Korea ay pang-29.