-- Advertisements --

Umaasa ang Gilas Pilipinas na mapagbibigyan na sila ng Hangzhou Asian Games Organizing Committee na maipasok ang ilang mga manlalaro nila.

Napili kasi ni Gilas coach Tim Cone na idagdag sina Calvin Abueva at Jason Perkins sa 12-man roster.

Ang dalaw ay kapalit sana nina Brandon Ganuelas-Rosser at Jamie Malonzo na hindi isinama sa listahan matapos magtamo ng mga injury.

Bukod pa kina Abueva at Perkins ay umaasa si Cone na maisama rin sa line-up sina Terrence Romeo at Mo Tautuaa.

-- Advertisement --

Ang nasabing apela ay idudulog ni hilippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino na magtutungo ngayong araw sa Hangzhou.

Sakaling mabigo ang apela ay magiging walo na lamang ang manlalaro ng Gilas Pilpinas na sasabak sa Asian Games na magsisimula na sa Setyembre 23.