-- Advertisements --

Nasungkit ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa 19th Asian Games matapos talunin ang Jordan 70-60.

Ito ang unang gintong medalya ng basketball team ng Pilipinas sa Asian Games sa loob ng 61 taon.

Bumida sa panalo ng Gilas si Justin Brownlee na nagtala ng 20 points habang mayroong 14 points si Ange Kouame.

Sa simula ng laro ay naging agresibo ang Gilas kung saan agad nilang tinambakan ang Jordan 11-5 hanggang napababa at naitabla sa 29 all ng star player ng Jordan na si Rondae Hollis-Jefferson sa pagtatapos ng first half.

Pagpasok ng third quarter ay nagtulungan iangat muli ang Gilas sa pamamagitan nina Scottie Thompson, Kevin Alas, Calvin Oftana at Japeth Aguilar.

Magugunitang tinalo ng Jordan ang Gilas 87-62 sa una nilang paghaharap noong nakaraang linggo.