Opisyal ng maglalaro sa FIBA Asia Cup 2025 ang Gilas Pilipinas na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto sa susunod na taon.
Ito ay matapos na talunin ng New Zealand ang Chinese Taipei 81-64 sa home court ng New Zealand.
Matapos ang kasi ang pagkatalo ng Taiwan ay tiyak na ang puwesto ng Pilipinas sa Top Two sa Group B na siyang kailangan para makaabot sa torneo sa buwan ng Agosto.
Mayroong apat na panalo at wala pang talo ang Gilas ng tambakan nila ang Hong Kong 93-54 nitong linggo sa Mall of Asia Arena.
Pasok rin ang New Zealand Tall Blacks ng talunin nila ang Chinese Taipei at makuha ang record na 3-1.
Sa susunod na taon na torneo ay nais ng Gilas na ma-improve ang kanilang ika-siyam na puwesto noong FIBA Aisa Cup sa Jakarta noong 2022.
Tatangkain ng Gilas Pilipinas na agawin ang korona sa Australia na siyang defending Asia Cup champion. \
Kasama ring nakapasok sa FIBA Asia Cup ang Japan at ang Saudi Arabia bilang host country.