-- Advertisements --
viber image 2023 09 03 00 39 40 535

Nasungkit ng Gilas Pilipinas ang panalo kontra China sa iskor na 96-75.

Ito ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.

Nagpasiklab sa third quarter game si Jordan Clarkson na nakapagtala ng 20 puntos sa loob lamang ng halos 4 na minuto.

Nakapagtala din ng 34 na puntos si Clarkson at nagpaulan ng tres sa final outing ng Pilipinas sa World Cup.

Mayroong apat na talo ang Pilipinas bago ang panalo kontra China.