-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang adjustments ng Gilas Pilipinas para sa pagsabak nila sa Asian Games.

Ayon kay Gilas head coach Tim Cone na dahil sa limitado ang kanilang oras sa ensayo kaya nagkukumahog si Cone para ipatupad ang kaniyang game system.

Tiwala naman ito na mabilis nilang makuha ang chemistry ng bawat manlalaro dahil sa karamihan sa mga ito ay mula sa PBA.

Sa mga susunod na araw aniya ay magiging intense na ang kanilang ensayo para mabilis silang makaadjust.