-- Advertisements --

Hindi ikinakaila ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na magiging matarik ang kanilang tatahakin na landas para sa pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa buwan ng Hulyo sa Latvia.

Sinabi nito na ang pagbabalik ng Pilipinas sa paglalaro sa Olympics ay hindi imposible dahi sa mga listahan ng mga manlalaro ng Gilas sa kasalukuyan.

Ipinagmalaki nito na kumpleto ang basketball squad ng bansa na pinagsamang laki at bilis ng mga manlalaro na kayang tumapat sa ibang mga bansa.

Bukod sa Latvia ay makakaharap nila ang Georgia at may posibilidad na makaharap ang top 2 teams sa ibang bracket na kinabibilangan ng Brazil, Montenegro at Cameron.