-- Advertisements --
Balik agad sa ensayo ang Gilas Pilipinas matapos ang makasaysayang panalo nila sa New Zealand ng second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Sinabi Gilas coach Tim Cone na walang pagbabago sa tindi ng paghahanda nilang gagawin sa pagharap nila sa Hong Kong sa araw ng Linggo.
HIndi aniiya sila magpapakumpiyansa at mamaliitiin ang Hong Kong kaya kung ano ang tindi ng ensayo nila sa pagharap sa New Zealand ay ganun din ang kanilang gagawin.
Dagdag pa nito na mayroong mga ilang pagbabago sa play at rotation ang ipapagana niya sa pagharap sa Hong Kong.
Sa kasalukuyan ay nangunguna ang Gilas Pilipinas sa Group B matapos na talunin ang New Zealand habang nasa pang-apat na puwesto ang Hong Kong matapos na talunin sila ng Chinese Taipei.