-- Advertisements --
Itinuturing ng Gilas Pilipinas na dadaan sila sa matinding pagsubok sa pagharap nila ngayong araw kontra sa Jordan sa Group C ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na isang mabigat na koponans sa Group C ang Jordan.
Isa sa mga maipagmamalaki ngayon ng Jordan ay si dating PBA Best Import Rondae Hollis-Jefferson na isang left-handed NBA veteran.
Noong nakaraang araw ay tinambakan ng Jordan ang Thailand 97-63.
Magkagayuman ay tiwala si Cone na kayang-kayang lampasan ng kaniyang manlalaro ang mga Jordan.
Kapwa mayroong dalawang panalo at wala pang talo ang Gilas at Jordan at ang mananalo sa pagitan nila ay abanse na sa quarterfinals.
Gaganapin ang paghaharap ng Gilas Pilipinas at Jordan dakong ala-5:30 ng hapon.